Umpisa pa lang ng sem, problema na agad inabot ko...Una, si classmate 1, nagpapasaway. Kinukulit kami na lumipat 1 month earlier sa boarding house (BH). Instead na July, June pa lang napalipat na kami. Yun pala, dahil plano nyang isama si "Jowa" nya na mag-stay sa BH. Isa sa ikinainis ni Uma sa akin yun,ako daw kase ang nagsali sa taong yun sa grupo namin. Hindi daw un magandang kagrupo. Minsan na silang naging nagkasama sa grupo at ayaw na sana nyang maulit yun. Actually, alam ko naman yun. Si classmate 1 kase ay naging classmate din namin ni Nathaniel nung 2nd year at naging classmate ko pa sa ibang subjects. May pinagsamahan na din kami kaya alam ko naman na may 'attitude' sya. Pero kahit ganun, itinuturing pa din namin sya na kaibigan. Ayoko na nga din sana syang maging kagrupo, kaso nakiusap sya sakin dahil wala na daw syang ibang grupo na masasamahan. Bilang kaibigan, hindi ko sya iniwan. kinausap ko si Uma na ako na ang bahala kay classmate 1. Kaso, dahil sa pagsali nya sa grupo at pagmamadali nya lumipat ng BH, nagsimula ang "inis" at pagka "bwisit" sa kin ni Uma. At hindi nagtagal, nakipag hiwalay sya sakin, na maxado kong dinamdam dahil mahal ko na nga sya. Alam ko, hindi yun tulad ng iba naming break-ups. Alam ko, wala na yung balikan. At hindi pa ko handa na igive-up sya. Hind pa ko ready na mawala sya sa buhay ko kaya gumawa ako ng way para hindi sya tuluyang mawala sakin. In short, aaminin ko na ngpakatanga ako sa kanya. I continued acting like a girlfriend, hoping na sana magbago pa un isip nya. Pero pano pa magbabago yun, kung sa tunog pa lang ng fone nya, ramdam ko na, meron ng iba. Siya un tipo ng taong hindi [daw] mahilig magtext. Pero nung time na yun, ilang minuto lang ang pagitan ng pagtunog ng fone nya, halatang may katext. Kaya alam ko, may iba pa syang reason...Na later on, nalaman ko na that is to collect "honeys".
After he broke up with me, tinext ko si Pare. And syempre, kailan ba naman ako pinabayaan ng Pare ko? After ng review niya, pinuntahan niya ko sa boarding house, sabay kami nag-dinner. That time, kaming 2 lang yung tao sa BH, nagconfide ako sa kanya about sa break-up namin when unexpectedly, dumating si Uma. [Mula ng lumipat kami, hindi naman sya masyado nag i stay o dumadaan sa BH dahil sa kabilang street lang yung bahay nila]. Umalis din sya agad, pero kinabukasan, he confronted me and told me na ang bilis ko naman daw magpaligaw at sana kung magpapaligaw daw ako, wag sa BH. (Praning! Sinabi na ngang bestfriend ko lang si Nathaniel e!). Of course I defended myself and sinabi ko sa knia na binisita and kinamusta lang ako ng bestfriend ko dahil concern yun sa akin. [TH din eh nuh?!]. Bilang kaibigan, dinadalaw dalaw ako ni Nath sa BH after ng review nya. Bilang pang comfort, minsan pinapasan nya ako mula 3rd floor pababa pag lalabas kami ng BH (nasa 3/F and BH). Kaya mas naramdaman ko na mas close na kami at wala na talagang malisya samin ang mga ganung bagay, even kahit kami lang dalawa ang maiwan sa BH.
Hindi ko alam kung anong nakain ko at nagpaka tanga ako ng ganun, bakit kailangan ko mag-explain e hindi na nga kami. Magpaligaw man ako, wala na syang paki dun. Actually I tried nga na magpaligaw, baka sakali, makatulong para madali ako makamove-on. Pero after a week, pinatigil ko na din yun guy. Ayoko maging unfair sa kanya. Pero hindi kahit anong
iwas ko, ganun din pala, makakagawa din pala ako ng desisyon na pagsisisihan ko...
There was this time sa BH, habang gumagawa kami ng mga project proposal for the next day's presentation, nagka-ayaan ang mga guys ng grupo na bumili ng midnight snack since alam na namin na magkakapuyatan. Habang nasa labas lahat ng guys at kami lang mga girls ang naiwan, umiral ang pagiging 'pakialamera' ko nung makita ko yung cel nya na naiwan
sa tabi ko(acting gf and bf pa din kase kami nung time na yun) - gusto ko malaman ang dahilan ng madalas na pagtunog ng celfone nya - kaya pinakialaman ko ang inbox nya at dun ko nalaman na meron na pala xang bagong 'honey'. I was so depressed pero sabi ni Jinky, i need to keep it to myself muna, para hindi maapektuhan ang paggawa namin ng proposal.
Kaya ano pa nga ba ang magagawa ko kundi mag pretend na ok lang lahat kahit ang sakit sakit dahil wala pang 3 weeks kaming break, may iba na agad sya. At malamang, yun ang real reason kung bakit sya nakipaghiwalay.
Kinabukasan after ng presentation namin, hindi na ko nakatiis. Kinausap ko sya and sinabi ko sa kanya na pinapalaya ko na sya. Ayoko na magpretend na gf nya at umasa na magiging ok pa kami. Nagtaka sya kung bakit ganun ako magsalita kaya inamin ko na sa kanya ung totoo. I know nainis sya kase pinakialaman ko un fone nya, pero since buko na sya, inamin na din nya and sinabi nya na wala lang daw yun. Sa text lang naman daw yun at nasa malayong lugar naman un girl. Alam kong unfair kaya pinanindigan ko na yung desisyon ko na tuluyan ng humiwalay at magbago ng pakikitungo sa kanya. Akala ko ganun lang yun kadali, hindi pala. Masakit pa din pala at hindi pala ganun madaling magmove-on lalo na at araw-araw ko syang kasama...
Makukulit at masayahin ang mga kagrupo ko kaya minsan, nagkatuwaan at nagkaroon ng biruan at tuksuhan between sa amin ng boarder namin na si "Fayat". Wala lang sa akin yun, biruan lang talaga at kinalimutan ko din agad after ng biruan na yun.
Kinabukasan, sinabi ko sa sarili ko na that would be the last day na iiyak ako dahil kay Uma, I promised myself na magmu-move-on na ko. Ayoko na magpakatanga at umasa sa wala. Pero di pa ko tapos sa pag muni-muni ng nagtext si Fayat at nagparamdam. Seryoso daw xa sa biruan namin nung nkaraang araw. With drama effect, nasaktan daw sya na hindi ko daw sya sineryoso. Stupid to say, pero I saw him as an opportunity para makabawi kay Uma kaya without thinking twice, hindi ko na yun pinalagpas. Kumagat ako sa drama nya...
That night, tinawagan ko si Nathaniel para sabihin sa kanya yung tungkol kay Fayat. Syempre, sermon ang inabot ko. Talo niya pa Lolo ko kung manermon at talagang nanakit ang tenga ko at nasaktan ako sa mga sinabi nya sa kin. Pero malabo na ang isip ko nun kaya katulad nya, hindi din ako nakinig sa kanya. Wala na yata akong pinapakinggan ng mga
panahon na yun kundi ang sarili ko at ang nasa isip ko lang e ang mailigtas ang sarili ko sa depression...
Nakabawi ako kay Uma, nasaktan ko sya, as in galit na galit sya, na nung una, ikinatuwa ko kase nagawa ko syang galitin at saktan tulad ng pananakit nya sakin, pero mabilis ang karma, he made a way para magantihan nya ko, at siniguro nya na mapapabagsak nya ko...
That time, nagsisimula na din pala bumangon ang iba ko pang magiging problema. Ang mga kagrupo ko, na akala ko ok kasama, ok kausap, hindi pala. Dapat umpisa pa lang, unang problema pa lang na dumating, naging aware na ko na hindi ako basta basta nagtitiwala. Problem continued to grow, people started to betray me. Pinapakitang kakampi at concern
na kaibigan sila pag kaharap ako, pero unang unang tao na umaalipusta sakin pag nakatalikod ako. Minsan, giving advices na kung hindi ko pag-iisipan at sinunod ko, ikapapahamak ko pa...
I was elected as the president of our Project Design class. Ginamit yun ni Uma para makabawi sakin. Since alam nya na kilala ako hindi lang sa class kundi pati sa department namin, dun nya ikinalat ang pagkakamaling nagawa ko. Using the words "syota ng bayan", sinira nya ang pangalan ko hindi lang sa class namin, kundi sa karamihan ng nakakakilala sa amin. He is good in story-telling, madami ang napaniwala niya. Yung iba na naging classmate ko na sa previous subjects ko and nakakakilala sakin personally, nagulat and di makapaniwala sa kwento niya. Who knows kung ano nga ba ang sinabi nya sa mga yun para mapaniwala niya. Pero syempre, since ang nakikita at nalaman na lang ng tao e ung pagkakamali ko, lahat na ng sinabi ni Uma, pinaniwalaan na nila.
Noon ko lang naramdaman kung gaano mapahiya mg sobra, yung papasok sa school at sa classroom ng pinagtitinginan ng mga tao at makikita mo silang nagbubulungan na halatang hinuhusgahan ka. Pero hinayaan ko lang at nanahimik lang ako, alam kong mali ako pero hindi naman nila alam ang totoo. Alam ko, kahit mag-explain ako, hindi nila ako maiintindihan. Sino lang ba ang nakakaintindi sa kin nung panahon na yun? Si Nathaniel lang, ang Pare ko...
At syempre, ano nga bang karapatan nila to judge me? Pero si Uma hindi pa din tapos at hindi pa din matahimik, pumunta sya sa BH after class at hinahamon si Fayat ng suntukan. Ayoko naman na umabot pa sa ganun kaya humingi na ako ng tulong sa Prof namin at pinagharap harap nya kami. Nung una, galit pa din sya, namumula sya sa galit at halatang nakainom. Ipinipilit nya na niloko namin sya. Nakalimutan nya yata na nakipaghiwalay na sya at nakahanap na sya ng iba. Nakalimutan nya na ipinamuka nya sakin na hindi nya ko mahal at hindi nya ko kayang mahalin (e ano ikinagagalit nya kung ganun?!). Pero nung huli, inamin din nya na mali sya at nag apologize sa kin. Nainsulto lang daw sya sa ginawa ko. Ano pa nga ba ang magagawa ko eh the damage has been done. Nasiraan na nya ko sa maraming tao...Pero after nun,hindi na nga niya ako pinakialaman. Hindi na kami nagusap o nagpansinan man lang...
Right after that incident, dun ako nauntog at nagising. Dun ko narealize kung anong klaseng tao yung kinalokohan ko. Sobrang sobrang tanga ang tingin ko sa sarili ko at talagang pinagsisihan ko na nagpadala ako sa emotions ko.
Naghiwalay din kami ni Fayat after a month. At mas lalong lumala ang sitwasyon sa BH. Nagkampi-kampihan na sila laban sa akin sa hindi ko malamang dahilan.
Minsan na nagkaroon ng okasyon sa BH. Andun din si Nathaniel that time since birthday yun ni classmate 1 at inimbitahan din sya na pumunta. Nakiusap ako sa kanya na wag niya ako iwan, kaso kinailangan niyang umuwi agad dahil may review pa sya kinabukasan. Sinamahan ko na lang sya hanggang sa may sakayan, and siguro naramdaman na nya na ang bigat bigat na ng loob ko at malapit na kong bumigay. Kaya niyakap niya ko, and right at that moment, kahit in public at tabing kalsada pa yun, hindi ko na napigilan umiyak. He wiped my tears and inabot nya sakin un panyo nya, sabi nya "itago mo to, pag kailangan mo umiyak, yan gamitin mo and isipin mo, kasama mo lang ako palagi". (F.Y.I. - Until now nakatago pa din yung panyo na yun).
Pagbalik ko sa BH, nagkaron ng inuman. Hindi ako talaga umiinom. Pero that time, gusto ko maglabas ng sama ng loob. Masama ang loob ko sa lahat ng nagyari sa kin. Masama ang loob ko sa mga kasama ko, lalo na kay classmate 1 na itinuring kong kaibigan for how many years. At since si Jowa ay merong isang "mabuting loob" - as in quote and quote - tinulungan nya akong maglabas ng sama ng loob. Gusto nya ko pataubin thru one on one sa matador. Ilang shots pa lang may tama na ko, pero hindi sya titigil hanggat hindi nya ko nappataob kaya lalo nya pa ko nilasing with the help ng red horse. And nangyari na ang dapat mangyari, nailabas ko lahat ng sama ng loob ko at nagawa ko pang magtawag ng uwak.
Wala na kong alam sa mga sumunod na nagyari. Pagising ko kinabukasan, dun na lang nila kinwento sa akin lahat. At hindi ako makapaniwala na nagawa kong maglasing ng ganun. Sa lahat ng kwento nila, isa ang hindi ko mapaniwalaan nung una, si Uma daw ang naglinis ng lahat ng kalat ko nung nagtawag ako ng uwak at hindi daw nya ako iniwan hanggat hindi
ako nakakatulog. Kaya after nun, kahit nahihiya ako, nagpasalamat at nag apologize ako kay Uma at nagkaayos kami uli, bilang classmates na lang...
After nun, mabuti na meron pa din pa lang totoong tao na natitira sa BH. Naging kaibigan ko na din sya at hindi nya ako pinabayaan. Si Jinky. Hindi kami close nung una, isinama namin sya sa grupo dahil alam namin na masipag sya at maaasahan. At sya ang naging kakampi and sandalan ko ng mga panahon na yun sa loob ng BH. Para talaga syang 'mommy", she protected me. Tinulungan nya ko na bumangon uli and na maitama lahat ng pagkakamali ko. Pinatahimik nya ko sa gitna ng lahat ng kaguluhan at sya ang nagsasalita para sa kin. Alam nya na lahat ng sinasabi ko, ginagamit ng grupo laban sa kin. Dahil sa pagtahimik ko, wala na silang magawang issue laban sakin. Kaya lumipat ang atensyon nila kay Michael, isa pa naming ka grupo at ang GF niya na si Jen. Lalong naging magulo ang sitwasyon kaya kinailangan ni Michael na gumawa ng move para maayos hindi lang ang sitwaysyon sa BH kundi pati ang nadadamay na nilang relationship ni Jen. Ganun sila katindi na pati si Michael and si Jen, idinamay nila. Akala ko nung una, ok silang mga kagrupo, para kaming pamilya. Si Michael si tatay, si Jen ang nanay. Mommy Jinks and tawag namin kay Jinky dahil sya ang nagluluto para sa amin, at kami ay magkakapatid. Pero umpisa lang pala yun, at sila sila, si classmate 1 at jowa niya, si classmate 2 at si Uma, sila sila, nagsisiraan din. In short, lahat damay damay. Nagkataon lang, ako ang unang biktima. Hindi nagtagal, lumabas din ang totoo. Nalaman din namin nila Michael and Jinky at ng buong grupo kung sino talaga ang nagsisimula ng issue at mga gulo. Meron pala talagang tao na ganun, mahilig talaga gumawa ng gulo at masaya pag nakakakita ng nasasaktan. Para sa ikatatahimik ng grupo namin, bilang leader/tatay, pinalayas ni Michael ang trouble-maker. At natahimik na din sa wakas ang grupo namin - pansamantala. Pero at least, ang mga sumunod na problema ng grupo ay project-related na lng. Wala ng personalan...
It may look OT(Off-Topic) para sa story naming dalawa ni Nathaniel. Pero this story was the reason kung bakit kami nagkalapit pa lalo ni Nathaniel at napunta sa next level...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment