Tuesday, November 24, 2009

Chapter VI - I'll be at your side

Nakilala ang grupo namin as "The Most Controversial Group" dahil sa dami ng naging issues namin sa grupo. Pero happy kami, kase naappreciate ng lahat ang project namin at nanalo pa kami ng 3 major awards - faculty's choice, student's choice and syempre kami ang natanghal na "1st Research Colloquium and 10th COE Best Project Design". After nun, nagsiuwian na kami sa kanya kanyang bahay, nakalabas na din ako sa wakas sa BH na parang Pinoy Big Brother House.

Si Nathaniel, that time, malapit ng mag board exam. Gusto na din nya malaman kung may pag-asa ba sya kay Dream Girl. He asked for my opinion kung magtatapat na daw ba sya kay Dream Girl bago mag-take ng board exam. Mai-inspire daw kase sya lalo kung magiging sila na bago sya mag take ng board exam. For me, hindi magandang idea yun. Paano kung hindi maganda ang maging sagot ni Dream Girl? Paano kung ma-out of focus sya? Imposible naman na hindi sya masaktan pag 'No' and sagot ni Dream Girl di ba? [Do I sound Nega?!, hehe] - dati pa man kase, I believe na in the Law of Attraction, attract positive energies, tipong ganun. Kaya kinulit ko sya na wag na lang muna magtapat. As much as possible, kung pwede, after na lang ng board exam. I made him promise and nagpromise naman sya. (Salamat at nakinig din! Hmmm...Ewan ko lang ?!)

He took the board exam, we prayed na sana makapasa sya. After a week, lumabas ang result. Unluckily, hindi maganda ang resulta para sa Pare ko. I stayed at his side. I did everything para mapasaya sya. Araw-araw magkasama kami and pag-uwi, magkausap pa kami sa phone. Sa kulit namin pareho, hindi kami nauubusan ng napag-uusapan at pinagkakatuwaan. Pero syempre, may panahon na nalulungkot at dinadamdam niya pa din ang nagyari. Hindi namin yun inasahan na mangyari dahil alam naman namin pareho na kaya nyang ipasa yun. Actually, konti na lng talaga, pasado na sana sya. Minsan pinipilit nya itago sakin yung lungkot nya, pero masyado ko na syang kilala para hindi ko malaman kung kailan sya masaya at kailan sya hindi ok.

Minsan, nasali sa usapan namin si Dream Girl, naisip ko, asan na ba sya at parang hindi man lang nya ako tulungan pasayahin ang bestfriend ko. Tinanong ko sya kung ano ang sabi sa kanya ni Dream Girl tungkol sa result ng board exam. Simpleng "ok lang yun", yun lang ang nakuha nyang sagot at parang wala man lang daw concern si Dream Girl sa usapan nila. Nagtaka ako kung bakit ganun ang pakikitungo ni Dream Girl sa kanya. Akala ko, dahil yun sa resulta ng board exam, yun tipong naturn-off si Dream Girl. At sinabi ni Nathaniel sa kin na wala na daw syang aasahan kay Dream Girl. Nainis ako thinking na napaka wrong timing naman nya i-pop yung sagot nya sa panliligaw ni Nath. Bakit naman kung kailan pa nasa stage ng kalungkutan si Nath. Pero bigla ko naisip, hindi kaya bago pa lang mag board exam e nakapag desisyon na si Dream Girl? Aminado akong makulit ako, kaya sa kakakulit ko kay Nathaniel, napaamin ko din sya. Hindi sya tumupad sa pangako nya sa akin dahil ilang days before ng board exam, nagtapat na sya sya kay Dream Girl kahit sinabi kong wag na muna.

Though masama ang loob ko, inintindi ko sya dahil alam ko, yun ang kailangan nya sa mga oras na yun. I felt so bad, hindi ko alam kung paano ko sya mapapasaya. Additional burden pa na hindi ko alam ang iaadvice ko dahil feeling nya, may BF na si Dream Girl kaya hindi sya sinagot. Sinabi ni Dream Girl na may iba din na nanliligaw sa kanya at napalapit na din sya dun sa guy. Pero dahil siguro ayaw din nya na saktan si Nath, hindi nya sinabi yun real reason for turning him down.

I am the type of person na hindi natatahimik pag may gusto akong alamin. Kaya i asked Nathaniel for Dream Girl's number and I text her. I know na kilala nya ako (thru Nath's stories lang) na bestfriend ni Nath. I asked her for a confirmation kung may BF na ba sya. Sabi ko sa kanya, gusto ko kaseng malaman kung ano ang dapat kong i-advice sa bestfriend ko. Gusto kong malaman kung dapat ko bang sabihin na give it another try or simulan na nyang kalimutan si Dream Girl at mag move-on na. I was glad that she told me the truth, may BF na daw pala sya kaya nya ni-turn down si Nathaniel. Our text conversation ended fine and I thanked her for being honest though hindi kami magkakilala personally. At syempre, as a bestfriend, hindi ko naman hahayaan na umasa sa wala ang bestfriend ko kaya though I know na masasaktan si Nath, sinabi ko sa kanya ang totoo na tama ang hinala nya na may BF na nga si Dream Girl at dapat na syang magmove-on.

Those times din, may mga panahon na iniiyakan ko pa din ang mga masasakit na nangyari sakin sa BH - not the breakups ha?. Nararamdaman ko pa din paminsan yun sakit ng matraydor ng mga tao na pinagkakatiwalaan mo. Kaya minsan, though I want to sound happy sa mga phone conversations namin ni Nath, di ko maiwasan na maging tahimik and to sigh. Syempre, he knows me as a makulit and bubbly friend so everytime na ganun ang kinikilos ko, alam nya naiisip ko na naman yung mga nangyari. And when the conversation starts, hindi ko na din maiwasan maiyak and masabi sa kanya na hindi pala ganun kadali kalimutan yung mga pangyayari though he always told me na i should start moving on na.

One time, my friend Ruth and I had a phone conversation. Ruth is Former BF's bestfriend na naging friend ko na din. Pero eversince we brokeup, wala na din silang naging communication. Isa sa napag-usapan namin si Former BF. We wonder kung kamusta na kaya sya and ang family nya. I used to be close kase sa family nya and gusto ko lang sana malaman kung kamusta na sila. So Ruth called Former BF (thru 3-way conference) kaso hindi na daw sya dun nakatira. He is already living with someone else. Nag-asawa na daw sya and may anak na. At first, Former BF's ate didn't know na nasa line din ako, but then, Ruth told her na naandun ako and nagkakamustahan kami. They told me Former BF's stories and na ayaw daw nila dun sa napangasawa ni Former BF. Nanghihinayang daw sila na hindi kami nagkatuluyan pero happy na daw sila malaman na graduating na ko at though gusto nila ako, mabuti na din daw na hindi kami ni Former BF ang nagkatuluyan. I deserve someone better daw (really?). Ang dami dami namin napag-usapan. They wanted me to come and visit them pag may time daw ako. Though I wanted to, I told them na it's not proper. Ayoko magkaroon ng conflict with Former BF's wife.

It feels good to talk to some people from your past who knows who you really are. I felt I found myself again and realized na tao nga lang ako na nagkakamali. Hindi naman pala talaga ako masamang tao. But then, dun ko din narealize na iba pala talaga yung feeling pag nabalitaan mo na nag-asawa na at may anak na yung tao na nakasama mo din for years.

As always, I told Nathaniel about my conversation with Former BF's ate. And hindi ko alam, hindi ko na namalayan, umiiyak na pala ako habang nag-uusap kami. Ewan ko ba, that time, I felt so alone. Bigla ako napa reminisce ng old times namin ni Former BF. Parang bigla ko sya namiss. And yet, nasaktan akong isipin na happy na sya sa life nya dahil nakita na nya yun taong para sa kanya samantalang ako mag-isa pa din.

I'm glad that Nath and I had each other. Kahit paano, nako comfort namin ang isa't-isa. It's nice to know na meron kang kadamay sa mga panahon na umiiyak ka sa hindi malamang kadahilanan. I felt so lucky that I have him by my side na feeling ko, wala ng pwedeng manakit sa kin kase he is there to protect me and na aawayin nya ang sino man na mang-away sa akin - totoo yun! And I know, na-appreciate nya din ang presence ko kahit na paminsan, makulit, madaldal and pasaway at iyakin ako (palibhasa may napapagtawanan sya kaya nawawala ang lungkot nya).

No comments:

Post a Comment