Graduating na si Pare ko, mas lalong naging rocky yun relationship nila ni GF and tlagang minsan, naiisipan na niya na makipaghiwalay. Lalo din kaming naging close dahil wala na si GF sa school, mas madalas na kami magsabay maglunch, o minsan pati umuwi since pareho kami ng way.
Hindi rin nagtagal at talagang umabot na sa hiwalayan ang mga away nila ni GF. Sa mga panahon na naghiwalay sila, nagkaron si Nath ng pagkakataon na mapalapit kay Dream Girl, which is matagal na niyang pangarap - bago pa man niya maging girlfriend si GF. Nung mga panahon na yun, wala na ding BF si Dream Girl kaya naging ok sila ni Nath. Nakakadalaw na si Nath sa bahay nila. At happy xa malaman na mahilig din pala sa aso si Dream Girl. Madami pang bagay na nalaman si Nath kay Dream Girl kaya lalo niya un nagustuhan and feeling niya, ok naman na sila ni Dream Girl. Si Dream Girl, nagpapakita na din ng interes sa kanya. Kso, si GF nag-return of the comeback...May plano pa pala xang makipagbalikan kay Nath. Eh di xmpre, naguluhan na naman ang pare ko at lumapit xa sa kin, asking for advice. Xmpre, since gusto ko e ung what's best para kay Pare - [which I think is si Dream Girl] sabi ko i-pursue na lng niya ang panliligaw kay Dream Girl. Pero xmpre, again, sino ba naman ako para makialam di ba? Eh sa inlove pa din si Pare kay GF e. Nakipagbalikan xa kay GF and hindi na nagparamdam kay Dream Girl.
Away, bati. Un pa din sila ni GF. Then hanggang sa si GF na talaga un nagsawa at nakipaghiwalay na lang uli. Si GF, magulo ang isip. Dahil dun, nakagawa xa ng isang bagay na alam niyang pagsisihan niya. Nakagawa xa ng pagkakamali na sobrang ikinasama ng loob ni Nath. Hindi lang ikinasama ng loob, that was the first time na nakita ko and naramdaman ko kung gaano xa nasasaktan. As in umiiyak xa sa phone habang kausap ako...Ganun niya kamahal si GF. Sobrang minahal niya talaga. Willing xa tanggapin pa din si GF sa kabila ng nagawa niyang kasalanan. Pero siguro, dala ng hiya, si GF hindi na nakipagbalikan kay Nath kahit mahal pa din niya. Dun na nag-end ang story nila...
Naka graduate na si Pare ko. At nagrereview na para sa board exam. At sa wakas, naka-move on na din. That time, desidido na xa na ipursue ang panliligaw kay Dream Girl. Kaya habang nagrereview, tinatawag-tawagan at pinupuntahan niya sa bahay si Dream Girl, minsan, pag may oras sinusundo niya sa work. Minsan nagde date o kumakain na din sila sa labas.
Nung mga panahon naman na yun, ako graduating na. Kami pa din ni Uma. Pero walang pinagbago, magulo pa din xa kausap. Pero kahit pano, napapasaya niya ko at sa tingin ko, na in-love na din ako sa knia sa wakas, after ilang months. Naging magka grupo pa kami sa Design, project ng mga COE bago maka graduate. Sa project na un, kailangan namin na mag-boarding house malapit sa school, para maging madali ang pagkilos namin sa project at para hindi nmin mapabayaan ang iba pa naming subjects, lalo na tuwing may visitation ng instructor. Excited ako kse magiging independent ako, mamumuhay ako ng isang sem na mga classmate ko lang ang kasama ko sa bahay. Yun nga lang, iba pala talaga pag nakasama mo na ang tao sa iisang bahay. Marami akong natutunan dun. Dun ako natuto ng mga bagay na hindi matututunan sa school. Dun ko pala mas makikilala ang sarili ko at ang mga tao sa paligid ko. Dun ko pala malalaman, kung sino at ano ang tunay at totoong na kaibigan...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment