Wednesday, November 25, 2009

Chapter VII - It Started with a Kiss

Hindi nagtagal ang panahon at pareho na kaming naka-move on ng Pare ko. Ako, by giving more attention sa studies ko since graduating na ko that sem and sya naman ay nagkaroon na ng trabaho. Pero kahit na pareho na kaming nakamove-on, madalas pa din kami magkasama. Eto yun mga panahon na hindi na kami nauubusan ng pag-uusapan at kakainan, hehe...Since may trabaho at sumusweldo na sya, madalas na kami kumain sa labas - at syempre, sagot nya. Madalas na din sya magpunta sa bahay namin. Minsan sinusundo ko sya sa office nila pag mas maaga ako nakalabas ng school. Minsan, ako naman yun sinusundo nya, basta after ng sunduan namin at sinipag kami, nagmo mall muna kami bago nya ako ihatid sa bahay.

Ang first gift ni Pare koy sa akin with free unforgettable moment.

Ang first gift ni Pare Koy sa akin ay 1 pair of Rusty Lopez na shoes. Actually, hindi yun surprise gift or gift dahil may occasion. Gift nya yun kase madalas ko sya kantyawan na sa tinagal tagal namin na magkaibigan, wala man lang ako naalala na niregaluhan nya ko. Kaya minsan na nag sale ang Rusty Lopez at may nagustuhan ako, binili nya yun para sa akin. A pair of white stilletos, ayos di ba? At iyon ang ginamit kong shoes pangpasok sa school dahil alam ko, ayaw nya na hindi ginagamit ang mga bagay na bigay nya. Hindi na daw mauulit kung hindi ko din naman gagamitin. Well, kahit hindi nya sabihin yun, gagamitin ko talaga yun dahil gustong gusto ko yun shoes na yun.

Nang araw na yun din nangyari ang isang bagay na hindi ko na yata makakalimutan hanggang sa pagtanda ko (well hindi pa eto yun simula ng love story ok?). Eto lang naman kase yun isa sa pinaka na, most pa na embarassing moment sa buhay ko. Pagkabili namin ng sapatos at pagkatapos kumain, nagkaayaan na kami umuwi. Pero dahil medyo late na at napagod sa pagikot sa mall si Nath, hindi na daw muna sya sasama sa amin. Mas malapit ang bahay namin sa mall kaya mas una ako sa kanya bababa. Puno ang jeep, siksikan at madami pang sabit, idagdag pa na may dala akong pinamili, medyo mataas ang takong ng sapatos ko at sumayad ng bahagya ang slacks ko. So aasa pa ba ako na makakababa ako ng marangal sa jeep na yun? Hindi ko inaasahan, (at hindi mo naman talaga dapat asahan), na maa-out of balance ako ng maapakan ko ang part ng slacks ko na sumayad, wala akong mahawakan nun dahil wala man lang nagmagandang loob sa mga sabit na bumaba sandali o bumitaw sa estribo, kaya ang resulta, tuluyan akong nalaglag. Narinig ko na lang ang mga tao na nagsigawan dahil nakita nila kung paano ako bumagsak. At dahil nashock ako ng bonggang bongga, hindi ako agad nakatayo. Pero sabi nga, pag nadapa ka, matuto kang tumayo. Nakatayo naman ako. Lokong mga sabit yun, wala man lang ni isa na tumulong sa kin para tumayo. Pero ok lang yun, hindi naman nila ako kilala e, care ba nila kung may nalaglag na sa tabi nila. Pero oo nga pala, may nakakakilala sa kin sa jeep, at yung isang tao na yun na kakilala ko, ni hindi man lang ako binaba para tulungan! Hanggang makaalis yun jeep, medyo shock pa din ako. Pero sinikap kong makauwi ng marangal kahit na medyo may nararamdaman na kong masakit sa bandang tuhod ko. Nasugatan pala ako sa pagbagsak ko. Pero ok na yun, kesa naman nabalian ako...

Pagdating ko sa bahay, nag ring agad ang telepono namin. Si nanay na ang nakasagot dahil dumiretso na ko sa CR para linisin yung sugat ko. At syempre, sino pa nga ba ang nasa kabilang linya, kundi ang bestfriend ko na pinabayaan lang ako sa pagkakalaglag ko. Inaway sya kunwari ni Nanay, bakit daw hindi man lang nya ako binaba para tulungan. Galit daw sya dahil pinabayaan nya lang ako e magkasama pa naman daw kami (pero joke lang yun syempre). Nung ipinasa ni nanay sakin yun phone, inaway ko din sya (joke lang din yun, hindi naman nya yun obligasyon e at ok lang naman ako). Sabi ko sa kanya, ni hindi man lang nya ako binaba samantalang alam ng mga tao sa jeep na magkasama kami dahil panay ang kwentuhan namin sa byahe. Nahihiya nga daw sya dahil sinabihan sya ng mga tao sa jeep na "yun kasama mo nalaglag!" kaso dahil nashock din sya hindi sya agad nakakilos para babain ako. Nung mahimasmasan daw sya eh umandar na yun jeep kaya hindi na sya nakababa at pinanindigan na lang nya ang pang deadma sa kin. Hindi daw sya mapakali habang nasa daan sya pauwi kaya tumawag sya agad pagdating nya bahay nila. Panay ang sorry nya dahil hindi man lang daw nya ako natulungan tumayo. E ano pa nga bang magagawa ko eh nangyari na, kaya after nun tawa na kami ng tawa - pinagtatawanan namin ang pagdive ko!

After that incident, lagi na nya ako inaalalayan pag bumababa ako ng jeep. Promise daw nya, bababain na daw nya ako pag nahulog ako uli sa jeep (mag-wish daw ba na malaglag ako uli!).

Dahil sa madalas sya sa bahay namin, napilitan ako mag-aral pa na magluto. Hmm, hehe hindi naman, dahil kailangan lang talaga dahil dalawa na lang kami ni nanay sa bahay, kadalasan, ako lang mag-isa dun sa gabi kaya kailangan ko talaga matuto magluto. Si Pare koy ang QA ng mga niluluto ko.

Dahil lagi na kami magkasama, magkatext at magkausap, hindi ko namamalayan na may nagbabago na pala sa min. Mas nagiging close kami, normal na samin yung akbayan nya ko, yung humawak ako sa braso nya, yung mag holding hands kami, ang yumakap ako sa kanya o sya sa akin at pati ang kiss sa pisngi everytime na maghihiwalay kami bago ako bumaba ng jeep o bago sya umuwi. Actually, wala pa din malisya para sakin ang friendship namin at ang mga ganung bagay, ewan ko lang sa kanya...

Hanggang isang araw, nagkaayaan mag-inuman ang mga katrabaho ni Pare koy. Syempre dahil bago sya, kailangan nya makisama. Hindi naman talaga sya umiinom (sa pagkakaalam ko) kaya siguro madali syang nalasing. Alam ko late na sya makakauwi kaya hindi ko na sya hinintay na tumawag o magtext. I was about to sleep na nung tumunog ang telepono. Ayoko na sana sagutin pero naisip ko baka sya yun tumatawag. Sya nga yun nasa kabilang line, at base sa pagsasalita nya, muka ngang lasing o may tama. Gusto lang daw nya sabihin na matulog na ko at late na - alam nya adik ako mag-internet kaya alam nyang gising pa ko. Gusto lang din daw nya sabihin na wag ako mag-alala dahil nakauwi naman daw sya ng ligtas at ok naman daw sya. Hindi naman daw sya lasing. We hang up na after nun. Inaantok na din talaga kase ako. Pero hindi pa pala dun tapos yun. Tumawag sya uli, may gusto daw syang sabihin. Sabi nya "Pare koy, kahit ano mangyari, lagi mo tandaan na mahal kita ha? Wag na wag mo yun kakalimutan". Of course, dahil alam kong lasing, hindi ko yun sineryoso. Umoo na lang ako sa sinabi nya at pinilit sya na ibaba na ang phone at matulog na kami pareho. I considered that as 'usapang lasing' at kinalimutan ko na din agad.

Nung sumunod na araw, hindi ko alam kung paano na-open yung topic na yun. Pero sabi nya, totoo daw yun sinabi nya. Mahal daw nya ako, pero as bestfriend daw yun love na yun. Basta wag ko na lang daw kakalimutan yung mga sinabi nya sakin. At bilang kaibigan nya, alam ko naman na totoo yun sinasabi nya. Naappreciate ko yun at natouch naman ako. Wala man akong BF, meron naman akong bestfriend na laging nasa tabi ko at talo pa ang BF mag-alaga...

Dec. 21, 2006. Ilang araw na lang christmas na. Wala na akong pasok sa school kaya sa bahay lang ako. Pagkagaling sa office, dumiretso sa bahay namin si Pare Koy. Pag nasa bahay sya, nakiki-adik sya sa kin sa internet. Nagda download ng MP3s, nanonood ng movie o minsan tinuturuan nya lang ako magphotoshop. Nung time na yun, may ginagawa kami sa PC ko. May itatanong sana ako sa kanya ng paglingon ko na kiss (o kiniss) nya ako sa lips. Nagulat ako nun pero wala akong nasabi. Tumahimik lang ako and hindi ko na alam gagawin ko. Kaya nagdecide na lang ako na mag focus sa ginagawa ko sa PC ko & maya-maya, bumaba na lang ako para magluto. Hindi na kami masyado nag-usap after nun 'incident' na yun. Hindi ko na maalala pano sya nagpaalam at paano sya nakaalis sa bahay namin. Basta ang natatandaan ko, magulo na yung isip ko nung time na yun. Hindi na ko mapakali. Ayoko muna na mag-usap kami. Feeling ko, parang may mali. Parang ayoko nung nangyari...

No comments:

Post a Comment