My life changed since my former BF and I broke-up. Before kse, suplada ako sa school, pasok sa class, makikinig sa lecture/take ng exam then uwi na. Pero after nun, natuto na ko tumambay sa school and makipag socialize. And of course, that means, naexpose ang beauty ng Lola mo...And dun na nagsimula na nameet ko ang "few wrong people" na dumaan sa buhay ko...
1. COE 1 and COE 2 - Sila un 2 naging classmate ko sa Software Eng'g na gustong makipag friends (and more than friends sakin). Un isa, gusto nia maging dependent ako sa knia. Gusto nia ako tulungan mag-move on. Kso sa ginagawa nia, lalo akong nalulunod sa depression. Si COE 2, maloko, makulit, palabiro and minsan sweet din...2 months sya nanligaw pero after nun, huminto din sya (cguro kse, ramdam nia na hindi pa din ako nakakamove-on hanggang sa mga oras na yun or baka meron na syang nagustuhan na iba). In short, wala akong naging BF sa kanilang 2...
2. CE - ayoko na sanang mag comment [dumaan ang sya sa buhay ko para manggulo ng tahimik kong life]. Pero sya un bolerong, sira ulo na nambibiktima ng mga freshmen. Hindi ako freshman kaya hindi niya ako nabiktima. Pero nabiktima niya un pinsan ko. I regret the day na naipakilala ko sa knia un pinsan ko. (And I know, pinagsisisihan na din niya ngaun na nakilala niya ako at ang pinsan ko)...
During these times, medyo nagiging shaky na din un relationship ni Nathaniel and ni GF. Minsan umaabot pa sa break-up. And sa mga panahong yun, nasa tabi-tabi lang ako para sa kniya. Lalo na at single (and under renovation) ako that time. Merong time na sabay na kami palagi nagla-lunch sa Borokyo (kainan sa tabi ng school). Favorite namin, sisig. Masarap na mura pa! Hehe (mag-plug daw ba?)...Sya palagi tagahalo, kse takot ako matalamsikan...Kung schoolmate din namin kayo, malalaman niyo kung kelan sila magka-away o break at kung kelan sila ok. Kse pag break o magka-away sila, kaming dalawa yun magkasama, pero pag ok na uli sila, deadma na ako uli...Pero ok na ko sa ganun, at least, pag may problema sila, sakin pa din sya tumatakbo...
3. Uma (code name nia sa skul) - COE din sya, naging classmate ko sa Logic Circuits at naging Volleyball player ko sa COE Volleyball team (DSG-Secretary kse ako that time and Sports Committe ng Dep't namin). Diskarte niya to know me, hiniram yun assignment ko, yun pala para kopyahin. At hindi un dun natapos, way niya pala un to get closer. He asked me out, para na din daw mag-thanks dahil pinahiram ko sya ng assignment ko (hindi kse ako ngpapahiram ng assignment lalo na at pinagpuyatan ko!). At doon sinabi nya din sa akin na matagal na daw nya akong crush. Matagal na daw nya akong nakikita sa school at alam daw nya na madaming nagkakagusto sa kin, kaya feeling daw nya, napaka alangan nya para sakin (bolero!). Sya na yata un pinakamagulo at malabong kausap na lalake na nakilala ko. To make the story short, sya un naging BF ko after a year of being single...Pero gusto nia, secret lang nmin, hindi expose sa public. Pero pinakilala ko pa din sya kay Nath, syempre napakaganda ng reaction niya after ko maipakilala sa kanya: "Yan ba? Ang liit liit naman, tuktukan ko kaya yan?!" - yabang nuh?!hehe...Because of what happened sa relationship namin ni former BF, nadala ako. Iniwasan ko na mag nag. Iniwasan ko na un mga bagay na madalas maging reason ng away sa relationship. Iniwasan ko yung mga ayaw niya. Sinusunod ko yung mga sinasabi niya.I don't know what happened, I don't know kung anong pinakain niya sa akin at naging sunod-sunuran ako sa knia. I keep my mouth shut sa kahit na anong sabihin nya, even minsan, I really get offended na. Our relationship was on and off. Kse minsan, ayaw na nia, minsan gusto nia (magulo nga sya di ba). Nung una, balewala lang naman sakin un mga bagay na ginagawa niya. Hindi naman ako nasasaktan e. Pero after a few months, naging ok na sya. Naging sure na sya sa sarili nya na gusto na niya ng relationship, pero ayaw nya pa din ma expose sa madla...The relationship went smoothly for months though on and off pa din.
That time, graduating na si GF, nauna sya ng isang sem kay Nath. Si Nath, since wala na sa campus si GF, nakakasabay ko na kumain ng lunch. Minsan, nung ngka problem sila uli, lumabas kami and ni-treat ko sya sa KFC. Sabi niya, un daw yun 1st time na nai-treat ko sya. Hehe eh yun lang naman kaya yung time na lumabas kami (hindi lang sa labas ng school) ng kaming 2 lang. Though hindi pa din kami araw-araw nagkikita at nagkakasama, we know that we are still bestfriends and na we will be there for each other pag kailangan...
No comments:
Post a Comment