How did louie and mei started (as friends)?
Way back 2002, 1st semester of 2nd year, if I'm not mistaken ES21COKA12, Nathaniel and I are seatmates, (Calaunan, Dacillo, DE VERA, DERILO, Doctora). Dahil sa ilang subjects na kundi man nakakaantok ay nakakadugo ng ilong(Differential Calculus), naging close kami, as in tight ha...Bakit? Kase sya ang aking "Knight in Shining Armor"...Lagi kse syang may MENTOS sa bulsa, binibigyan nya ko palagi pag inaantok na ko, taga gising ko pag nakakatulog ako sa klase during lecture or even during exam (pag wala na kong maisagot) - at dahil wala na akong maisagot, pati sagot nya, shineshare nya din (bait di ba) at sya din ang walang sawang nagsasabi saking ng mga katagang "ANG TANGA TANGA MO MEI!!"...He is my confidant, a good listener during the time that my relationship with "Former BF" was a bit rocky. He always give me advices, comments, suggestions and negative reactions (oo, negative) hehe...So imposible naman na sa ilang months kaming seatmates eh hindi nga kami maging close di ba?
At dahil nga sa closeness namin, there was this time when my former BF get jealous of him, I was wrong to listen to my former bf's especulations, TH kase sya e, (Tamang Hinala). I wrote a letter to Nathaniel and ask him some stupid questions that made us feel less comfortable with each other. He replied to my letter and told me na hindi nya gustong magkaron ng kaibigang katulad ko and to make things worst, he said "HINDING HINDI AKO MAGKAKAGUSTO SAYO". Imagine how I felt reading a letter having those words. I felt like napaka "feeling" and assuming bitch... And I regret that I lost a friend because I need to save my relationship. That was the time that our whole row became so quiet. Kaming 2 kase yun laging magkakwentuhan sa hilera nmin, kadalasan kaming 2 yun maingay dahil tawa kami ng tawa sa mga kalokohan namin...I was so ashamed that I couldn't find a good way to apologize and to explain that I just did it to make things clear and to save my relationship. Until 1 day, nakasabay ko sa fx papasok sa school si Ninoy, one of his friends and our classmate too...I told him the story and he was sad too to know na nagkasira pala kami...Then he gave me some piece of advice that gave me strength para mag apologize. Pero pag kaharap mo na pala tlga, iba na, mahirap na gawin un, mahirap na basta basta iapproach yung tao...Kaya it took me days bago ko nagawa un advice ni Ninoy - pero actually, hindi ko din nagawa - kase, kaya lang kami ngkabati dahil nagkatinginan kami accidentally - hindi kami tumitingin sa isa't isa during those times na galit sya sa akin - then ang tagal tagal namin nagtitigan and then when I felt that I need to say something to break the silence, i said "GALIT KA PA BA? BATI NA TAYO...SORRY NA..." with a big grin and ganun pala un feeling pag hindi mo alam kung papatawarin ka, parang ang tagal tagal ng oras and sa wakas, he smiled na din and told me I'm forgiven and handed me a piece of Mentos. I told him na namiss ko un... But he made it clear to me na he doesn't want it to happen again kaya he wants to have limits on our closeness...Medyo sad ako kase akala ko hindi na talga sya makikipag close sa akin. Na magiging casual friends na lng tlaga kami...
Pero God has really His own ways of making people's life better. He knew that time will come, Nathaniel and I will need each other. We became closer and closer pa lalo... (And I never told my former bf again na nagkabati na at mas naging closer pa kami ni Nathaniel to avoid na yung away and selosan).
The sem ended fine. I was really really expecting to fail in Differential Calculus - tulugan mo ba nmn ang klase at exam mo e! But miracles do happen. Pasado ako! And I really wanted to tell Nath (as what I really used to call him) how happy and how thankful I am dahil cguro, with his help, pumasa ako...But Ninoy told me a bad news, na again tinamaan na nmn ako ng hiya na magpakita kay Nath...He failed and I passed??!!! Paano nangyari yun??!!I really don't know if sumama un loob nia sakin that time, pero it's already beyond my control. I didn't do anything about it, ang alam ko nga, tinanggap ko na sa sarili ko na bagsak ako, because that was the time that I almost want to give up engineering. Plan ko na sana mag shift sa Com Sci or IT. But things really happen with a purpose, kaya ako pumasa kase God wants me to continue taking Engineering, maybe because He knew that I will succeed in this field. And for Nathaniel? Yes, I think it was also part of God's plans...Bakit ko nasabi??! Secret! Hehe to be continued...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment