Tuesday, April 28, 2009

Chapter II - Si Dream Girl, si GF at si Former BF

Nathaniel has to take summer class (Integral Calc) to catch up dahil nga sa 'tragic' failure nya sa Diff Cal...Pero he is really good academically kaya sisiw na lng un Differential and Integral Calculus sa kanya. He was able to overcome that failure kse nag enjoy sya sa summer class na yun. I think and I am sure, that was the most memorable summer class na natake nya. Bakit??
Because on that summer class, nameet nya si "Dream Girl". (I don't want to mention names so I named her "Dream Girl"). - Dream Girl kase I know, from Nathaniel's description and stories, sya yung ultimate crush and kind of girl niya... Tall, pretty, mabait and palabiro din at sya lang ang babaeng nakatawag sa kanyang atensyon. (If only I can post her pictures - pero never mind). Kaya naman si bespren ko, walang ginawa kundi magpakitang gilas sa klase! Si Dream Girl ay isang Com Sci na sa pagkakaalam ko, madami ding taga-hanga...


Anyways, I don't know what happened between sa kanila ni Dream Girl, ang alam ko lang, he didn't make a move to court her (ewan ko ba). Pero she remained as his Dream Girl and ultimate crush, kahit nameet na niya and naging GF nung sumunod na sem si "Girl Friend".


Si Girlfriend. Si Girlfriend or GF (for short) is classmate niya din in one of his subjects nun 3rd year 1st sem. IT (Information Tech) si GF. Hindi na kami madalas nagkikita that time dahil magkaiba na ang sections and schedules namin. Stick na sya sa EE sections and ako nmn sa ECE. Pero nun nagkita kami, nasabi na niya sa akin na may nagugustuhan na sya na classmate niya.Syempre, as his bestfriend, excited ako para sa kanya. Happy ako na may nagugustuhan na sya (hindi ko pa alam yung tungkol kay Dream Girl that time). Sabi nya gusto nya daw, pag naging sila ni GF, 18 un monthsary nila, favorite number niya daw kse un....And of course I wish him goodluck, na sana sagutin nga sya ni GF (at obviously, sinagot sya kaya nga GF un screen name niya di ba?)...

Pero si GF ay kakaiba..."Nililigawan" pa lang sya ni Nath, nagpakita na sya ng 'true colors'. The story you are about to read is based on what Nathaniel told me during our phone conversations. Madalas pa din kase kaming naguusap sa phone, lalo na nung nameet and nililigawan na nga niya si GF. Because that was the time na ako naman un nakakabawi sa kanya by giving advices,suggestions, comments and negative reactions, harharhar!!! At naibabalik ko na sa kanya ang mga katagang "ANG TANGA-TANGA MO PARE!". Anyway, mabalik ako kay GF, c GF inaaway na si Nath pag meron syang nagawa na hindi niya gusto (ayoko na ilagay in detail, TMI - Too Much Info na un, hehe...she didn't know na nakakarating sakin yun mga ginagawa nya kay Nath, I am Nath's confidant same as he is to me). Ang masasabi ko lang at palagi kong sinasabi kay Nath, "kung nililigawan mo pa lang sya e nagagawa na niya at nasasabi ung mga bagay na ginagawa and sinasabi niya(w/c is un mga bagay nga na ayoko na ikwento), what more if kayo na??!!" (Am I right? - at hindi nga ako nagkamali...)

Pero sino nga ba ako para pigilan sya sa gusto niyang gawin? Ano bang magagawa ko kung na inlove pa din sya kay GF despite the fact na nagpakita na si GF ng 'attitude' sa umpisa pa lang...Syempre bilang isang mabuting kaibigan, what I did is just to support him in his decisions. Naging sila on the 16th (I forgot what month) not on the 18th - hindi na yata makapaghintay si GF o natakot na syang mauntog pa ang pare ko kaya sinagot na nya agad...And I didn't know that, that would be the start of changes in our life...Na un na pala un simula na mawawalan na ko ng 1 bestfriend...

Nath introduced GF to me, after a smile and a 'Hi', wala na. At dun na pala niya gustong tapusin ang connection namin at ni Nath sa isa't isa. Hindi ko alam bakit, pero after that, pag nakakasalubong ko sila, hindi na ko pinapansin ng bestfriend ko. (Take note: Ni hindi tumitingin sa direksyon ko). At first, nagtampo ako, hindi ko maintindihan bakit kailangan na ganun, wala naman akong ginagawang masama sa knila. Nagtampo talaga ako kay Nath na ni hindi man lang niya ako tinitingnan pag nagkakasalubong kami, as if I was a total stranger or that I didn't exist. May time pa nga na napansin un ng isang classmate ko na lagi kong kasama and alam na bestfriend ko si Nath. She asked me "di ba Bestfriend mo un?,Bakit hindi ka pinansin?" Syempre, wala ako maisagot, kse clueless tlga ako sa reason kung bakit sya nagbago sa kin...May times na naiinis ako sa pangdedeadma nila kaya minsan, gusto ko din mang-inis at lapitan sila pero I already have an idea sa attitude ni GF, for sure, aawayin nya na naman si Nath kaya I controlled myself and just ignore them too...Ayoko kase na mag-away na naman sila at mahirapan na naman si Nath sa panunuyo at ayoko din naman na magalit sya sakin kse ginalit ko si GF...

But then again, friends really find ways to keep in touch, or maybe, God made a way para makapag-usap kami and masabi sa kin ni Nath yun real reason kung bakit hindi na niya ako pinapansin. The reason: Selos...nagseselos si GF sa kin at sa closeness namin...I understand her, kakaiba naman kse talaga ang closeness namin ni pare nun umpisa pa lang....And because of that, nawala na un tampo ko kay Nath and I assure him that he could still count on me pag nagka problem sya. It means, we are still friends. Like what I did, hindi na lang din niya sinabi kay GF na nag-uusap na ulit kami, minsan pag nasa class nya si GF and vacant ni Nath and nagkataon vacant o wala akong class, minsan sa phone pag mag-kaaway sila...

There was this time(one of the most unforgettable namin ni Nathaniel), magka-away sila ni GF, and kami din ni former BF and un isa pa naming classmate and her GF. Nagsama-sama kaming tatlo to forget those problems sa relationship namin. Si classmate, inaya kami ni Nathaniel mag mall, manood daw ng sine, and since magkaaway naman kami ni former BF, sumama ako sa kanila. On our way sa mall, nangungulit ng nangungulit sa text si former BF, parang na-oobsess na. Magpapakamatay daw sya if hindi ko sya kinausap. Sabi nilang 2 sakin, hindi niya un gagawin, kinukonsensya nya lang daw ako. Pero syempre, dahil may konsensya akong tao, nakunsensya naman ako. Nagsabi ako sa knila na give me a little time para kausapin c former BF and matapos na yun pangungulit niya and then chaka kami manood ng sine. Nung nasa mall na kami, i left them sandali para kausapin si former BF, kaso hindi pa ko nakakalayo, nakita na nila si former BF na lumapit sa akin and hinawakan ako sa kamay and hinila ako palayo...At hindi na kami uli ngkita-kita nung araw na yun dahil hindi na ako nakabalik sa knilang 2 ni classmate, hindi na rin natuloy ang panonood nila/namin ng sine...

Medyo nawalan kami ng communication nun 3rd year 2nd sem. Nag stop kse ako. Nag-work muna ako. Happy naman ako na kahit 1 beses sa 5 buwan na nag work ako sa Robinson eh nadalaw naman nila ako nila Ninoy. Sila pa din ni GF nun nag-enroll ako uli ng sumunod na sem. That time, naging shaky na un relationship namin ni former BF. Nag-break kami 1 month before our 2nd anniversary. Ok lang ako kaya hindi naman ako naghanap ng kaibigang matatakbuhan (ako yun nakipag-break eh!). Gaya ng dati, nagkikita at nagkakabalitaan pa din kami paminsan-minsan pag nasa class nya si GF at free kaming 2.

The same sem, naging busy din ako. Iyon yung time na nakilala ko naman un isa ko pang naging "pare". [Nathaniel was my original pare. Nun umpisa pa lang na maging close kami, "pare" na un tawagan namin]. Si Pare2 yun isa ko pa na naging pare, - (nagtampo si Nath dahil pare din un naging tawagan namin, which is hindi daw dapat kse tawagan na nmin un at ipinagpalit ko na daw sya dahil may bago na akong pare) - nakilala ko sya sa photo and video shoot ng school. Napilitan kami mag overnight sa TIP Manila dahil late na natapos un shoot at dun nagkaron ng kami bonding moments. Si Pare2, Hindi ako un type niya. At hindi ako ang crush niya. crush niya si CL (EE din). Kso si CL, me BF. Naging close kami ni pare2, syempre palitan ng number then text text. Then later on since enjoy with each other's company, madalas na kami magkasama sa school or minsan after class. Minsan sabay kami ng tapos ng class, minsan una sya then niwewait nya ako sa Library then kumakain kami sa labas before umuwi. Pero hanggang dun lang yun, I don't know what happened, hindi na naging kasing dalas nun una un paglabas namin and pag text ung mga sumunod na araw and weeks. Then he told me na he is courting his former elem classmate and ako naman, that time, sinusuyo uli ni former BF para makipagbalikan sa kniya. We ended up ni pare2 as friends, until now. Si Pare2, naging GF nya si former elem classmate, and ako, nakipag balikan naman kay former BF.

Pero, after a month nagbreak din kami agad . Syempre nasaktan ako, para namang nakakaloko un. 2 months akong sinuyo para makipagbalikan sa kniya then makikipag break din after a month...Pero I find ways to move on, without any help from anyone. Wala si Nathaniel ng mga panahon na to sa tabi ko, hindi na kami nagkakausap dahil ayaw nga ni GF. Meron akong mga kaibigan na nasa paligid ko that time, pero sabi nga nila, kailangan mo tulungan yun sarili mo bago ka matulungan ng ibang tao. So, I learned to help myself. After a month or two, naka move-on ako from that break-up. And who would've thought na ang break-up na pala namin ni former BF ang magdadala ng malaking pagbabago sa buhay ko...

Chapter I - How we started as friends

How did louie and mei started (as friends)?

Way back 2002, 1st semester of 2nd year, if I'm not mistaken ES21COKA12, Nathaniel and I are seatmates, (Calaunan, Dacillo, DE VERA, DERILO, Doctora). Dahil sa ilang subjects na kundi man nakakaantok ay nakakadugo ng ilong(Differential Calculus), naging close kami, as in tight ha...Bakit? Kase sya ang aking "Knight in Shining Armor"...Lagi kse syang may MENTOS sa bulsa, binibigyan nya ko palagi pag inaantok na ko, taga gising ko pag nakakatulog ako sa klase during lecture or even during exam (pag wala na kong maisagot) - at dahil wala na akong maisagot, pati sagot nya, shineshare nya din (bait di ba) at sya din ang walang sawang nagsasabi saking ng mga katagang "ANG TANGA TANGA MO MEI!!"...He is my confidant, a good listener during the time that my relationship with "Former BF" was a bit rocky. He always give me advices, comments, suggestions and negative reactions (oo, negative) hehe...So imposible naman na sa ilang months kaming seatmates eh hindi nga kami maging close di ba?

At dahil nga sa closeness namin, there was this time when my former BF get jealous of him, I was wrong to listen to my former bf's especulations, TH kase sya e, (Tamang Hinala). I wrote a letter to Nathaniel and ask him some stupid questions that made us feel less comfortable with each other. He replied to my letter and told me na hindi nya gustong magkaron ng kaibigang katulad ko and to make things worst, he said "HINDING HINDI AKO MAGKAKAGUSTO SAYO". Imagine how I felt reading a letter having those words. I felt like napaka "feeling" and assuming bitch... And I regret that I lost a friend because I need to save my relationship. That was the time that our whole row became so quiet. Kaming 2 kase yun laging magkakwentuhan sa hilera nmin, kadalasan kaming 2 yun maingay dahil tawa kami ng tawa sa mga kalokohan namin...I was so ashamed that I couldn't find a good way to apologize and to explain that I just did it to make things clear and to save my relationship. Until 1 day, nakasabay ko sa fx papasok sa school si Ninoy, one of his friends and our classmate too...I told him the story and he was sad too to know na nagkasira pala kami...Then he gave me some piece of advice that gave me strength para mag apologize. Pero pag kaharap mo na pala tlga, iba na, mahirap na gawin un, mahirap na basta basta iapproach yung tao...Kaya it took me days bago ko nagawa un advice ni Ninoy - pero actually, hindi ko din nagawa - kase, kaya lang kami ngkabati dahil nagkatinginan kami accidentally - hindi kami tumitingin sa isa't isa during those times na galit sya sa akin - then ang tagal tagal namin nagtitigan and then when I felt that I need to say something to break the silence, i said "GALIT KA PA BA? BATI NA TAYO...SORRY NA..." with a big grin and ganun pala un feeling pag hindi mo alam kung papatawarin ka, parang ang tagal tagal ng oras and sa wakas, he smiled na din and told me I'm forgiven and handed me a piece of Mentos. I told him na namiss ko un... But he made it clear to me na he doesn't want it to happen again kaya he wants to have limits on our closeness...Medyo sad ako kase akala ko hindi na talga sya makikipag close sa akin. Na magiging casual friends na lng tlaga kami...

Pero God has really His own ways of making people's life better. He knew that time will come, Nathaniel and I will need each other. We became closer and closer pa lalo... (And I never told my former bf again na nagkabati na at mas naging closer pa kami ni Nathaniel to avoid na yung away and selosan).

The sem ended fine. I was really really expecting to fail in Differential Calculus - tulugan mo ba nmn ang klase at exam mo e! But miracles do happen. Pasado ako! And I really wanted to tell Nath (as what I really used to call him) how happy and how thankful I am dahil cguro, with his help, pumasa ako...But Ninoy told me a bad news, na again tinamaan na nmn ako ng hiya na magpakita kay Nath...He failed and I passed??!!! Paano nangyari yun??!!I really don't know if sumama un loob nia sakin that time, pero it's already beyond my control. I didn't do anything about it, ang alam ko nga, tinanggap ko na sa sarili ko na bagsak ako, because that was the time that I almost want to give up engineering. Plan ko na sana mag shift sa Com Sci or IT. But things really happen with a purpose, kaya ako pumasa kase God wants me to continue taking Engineering, maybe because He knew that I will succeed in this field. And for Nathaniel? Yes, I think it was also part of God's plans...Bakit ko nasabi??! Secret! Hehe to be continued...